UMAAPAW ang mga sorpresa nina Prince Harry at Meghan Markle.

Meghan at Prince Harry

Ayon sa ulat ng Mashable, ibinalita ng TMZ na napagdesisyunan ng mga bagong kasal na mag-honeymoon sa Canada. Partikular sa Fairmont Jasper Park Lodge sa Alberta, kung saan masisiyahan sila sa 6,000 square foot na Outlook Cabin.

Ang Canada ay magandang lugar para sa newly-wed, at puno ng magaganda at mababait na tao. Hindi lamang ito ang partikular na lugar na mariringgan ng pagtatapos ng mga storybook romance.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Gayunman, napakaganda ng lodge at hindi ito ang unang pagpunta rito ng royal family, dahil nagpunta na rin dito sina King George VI noong 1939 at Queen Elizabeth at Prince Philip noong 2005.

Hindi pa lang inihahayag kung kailan sila pupunta sa lugar ngunit masisiguro na magsusuot si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ng perfect pair novelty socks para sa okasyon.

Baka magpunta rin ang royal couple sa bayang sinilingan ni Meghan sa California habang nagre-relax sila sa North America.