HINDI lang nag-promote ng So Connected si Jenine Desiderio, pinanood din niya ang Regal Films movie na pinagbibidahan ng anak na si Janella Salvador katambal si Jameson Blake.

JENINE, RUSSEL, JAMIE AT IBA PANG KAIBIGAN

Kasama niya ang anak na si Russel at ilang kaibigan kabilang si Jamie Rivera nang panoorin niya ang pelikula.

“Done watching!!! Nice! What about you? #SoConnected” ang caption ni Jenine sa photo nila ng mga kasama sa panonood ng pelikula nina Janella at Jameson habang hawak ang movie tickets.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makikita ring sa harap ng poster ng pelikula sila nagpakuha ng litrato.

Majority sa feedback ay positive, natutuwa ang fans ni Janella na pinanood ng mom niya ang bago niyang pelikula. Hindi lang maiwasan na may mga nagtatanong kung bakit hindi sinuportahan at hindi pinanood ni Jenine ang My Fairy Tail Love Story nina Janella at Elmo Magalona.

Hindi na sila sinagot ni Jenine dahil malinaw naman na hindi niya feel si Elmo para kay Janella. Magtatampo pa nito ang fans nina Janella at Elmo dahil mas pabor pa rin si Jenine sa tambalan nina Janella at Marlo Mortel. Pinasalamatan niya ang Marnella fans nina Marlo at Janella sa pagsuporta sa So Connected.

–Nitz Miralles