IBA’T IBANG reaction ang nabasa namin sa post ni Kris Aquino tungkol kay Quezon City Mayor Herbert Bautista na buung-buo naming inilabas kahapon.

HERBERT_please crop copy

May kasamang video ng photos nila ni Mayor Herbert nang manood ng Kasal sa Trinoma. May mga litrato ring kuha sa surprise birthday party na bigay ng high school friends kay Herbert na dinaluhan ni Kris.

Pagkatapos naming basahin ang post na ito ni Kris, parang naisip namin na si Mayor Herbert pala ang “the one that got away” ni Kris and I’m sure, ganu’n din ang naramdaman ni Mayor Herbert.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Nag-post din si Kris ng quotation cards about friendship kabilang ang, “Friendship is when people know all about you but like you anyway,” “Your Friendship Means The Wo r l d To Me. Just Wanted To Let You Know,” “We’ll be Friends Forever, won’t we, Pooh? Even longer” at “Liking someone doesn’t mean you have to be lovers, sometimes you just have to be friends.”

Mas naging heartwarming ang post dahil sa background music na Stand By Me na maaalalang kinanta sa wedding nina Prince Harry at Meghan Markle.

Feel na feel ang n a p a k a g a n d a n g friendship nilang dalawa sa post ni Kris at marami ang netizens na nanghinayang na hindi nagkaroon ng happy ending ang love story nila ni Mayor Herbert.

Marami ang kinikilig kapag may photos sila at may mga umaasa na sana ay magkaroon sila ng second chance.

-NITZ MIRALLES