NATAPOS na ang first directorial job ni Dingdong Dantes sa Tadhana.

DONG AT YAN copy

Siya ang ni-request na direktor ng asawang si Marian Rivera, na nagho-host ng drama anthology para sa mga buhay ng mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs).

Kaya first time din ni Dingdong na maidirek si Marian na pumayag sa management ng GMA News & Public Affairs na gumanap ng isang episode bilang first anniversary presentation ng show.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Ang ilan sa nakita naming kasama sa taping ay sina Lotlot de Leon at Jackielou Blanco. Hindi napigilan ni Lotlot na mapahanga sa mag-asawang Dingdong at Marian kaya nag-post siya sa Instagram nito:

“Had the privilege to work with Yan and Dong again a few days ago. The last time I worked with Marian was for Dyesebel and Dong naman sa Kubot, The Aswang Chronicles.

“Grabe, hanggang ngayon hindi pa din sila nagbabago. I am mesmerized by these two. I admire them for being so professional and down-to-earth even if they have achieved so much in the industry already. Marian still gives me the same tight hug and I love it when she says ‘ate lotttt’ and Dong naman gives the warmest smile and hugs... More power to these two power couple! All the best to both of you all the time!!! @marianrivera @dongdantes”

Mabilis sumagot sa naturang post si Dong ng: “Salamat Ate!”

Wala pa kaming detalye kung ano ang character na gagampanan ni Marian bilang OFW sa Bahrain, na may asawa at dalawang anak. Nang makausap namin ang mag-asawa after ng 49th Box Office Entertainment Awards, biniro namin si Dong kung hindi ba siya ang gaganap na asawa ni Yan, sagot niya, si Anthony Falcon.

Every Saturday napapanood ang Tadhana at 3:30 p.m. Hintayin na lamang natin kung kailan mapapanood ang first anniversary episode.

-NORA CALDERON