MAGTATAGISAN ng husay at galing ang mga local beach at indoor volleyball players sa pagsikad ng Tanduay Athletics PVF Volleyball Under-18 Boys and Girls Championships ngayong weekend sa Cantada Sports Center sa Taguig City.

bong tan copy

Bukas ang torneo – na libreng kaloob ng Philippine Volleyball Federation at Tanduay Athletics – sa lahat ng eskwelahan at club team na nagsusulong ng sports development program sa sports.

Ipinahayag ni PVF President Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada na magsisilbing referee at tournament officials sa torneo na suportado nina tycoon Lucio ‘Bong’ Tan, Jr. at PVF Chairman Mikey Arroyo, ang mga officials mula sa Dumaguete, Balanga, Balayan, Lingayen at Dasmariñas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kabilang sa mga nakapagpatala ng lahok ang Balanga Volleyball Club, Grace Christian College of Q.C., University of the Cordilleras of Baguio, Holy Family Academy of Angeles, Harrell Integrated of Bacoor, National University, RTU, UST Angelicum, Hope Integrated, GMA Lady Knights, DepEd schools from Tramo, Pasay City, Pasay North, Pasay South at Fabella sa Mandaluyong City.

Naghihintay ang medalya at gift certificates sa mga magwawaging koponan.