HATAW si Sydney Mosqueda sa nakubrang 16 puntos para sandigan ang La Salle Greenhills Greenies sa dominanteng 107-77 panalo kontra St. Patrick School nitong weekend sa junior division ng 24th Fr. Martin Cup summer tournament sa St. Placid gymnasium ng San Beda-Mendiola campus sa Manila.

Kumana si Mosqueda ng pitong puntos sa 12-0 run ng Greenies tungo sa 27-10 bentahe sa first period, tungo sa ikalawang sunod na panalo ng reigning NCAA junior titlist sa torneo na itinataguyod ng Cocolife.

Sa women’s action, kombinasyon nina Valerie Mamaril at Mary Ann Bastatas ang naging bentahe ng Far Eastern University Lady Tamaraws kontra University of the Philippines Lady Maroons, 81-71.

Ito ang unang panalo ng Lady Tamaraws sa tatlong laro.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Nauna rito, kumana si Gelo Batayon ng 19 puntos para sa 84-82 panalo ng University of Perpetual Help Junior Altas kontra San Sebastian Staglets.