WASHINGTON (AFP) – Sinabi ni US President Donald Trump nitong Martes na maaaring hindi matuloy ang nakaplanong pagkikita nila ni Kim Jong Un sa susunod na buwan, kahit naniniwala siyang seryoso ang North Korean leader sa denuclearization.

‘’It may not work out for June 12,’’ sinabi ni Trump, tungkol sa makasaysayang summit sa Singapore.

‘’If it does not happen, maybe it will happen later,’’ ani Trump, sa pagsisimula ng mga pag-uusap nila ni South Korean President Moon Jae-in sa White House.

Ngunit idinagdag ni Trump na naniniwala siya na handa ang North Korean leader na talikuran ang nukes. ‘’I do think he is serious. I think he is absolutely very serious,’’ aniya.
Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na