Nagpaabot ng pakikiramay si Japanese Prime Minister Sanae Takaichi sa mga nabiktima ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa ilang parte ng Mindanao nitong umaga ng Lunes, Hunyo 8.
MAKI-BALITA: PHIVOLCS, itinaas sa magnitude 7.8 ang nangyaring lindol sa Sarangani
Sa X post ni Takaichi, binanggit niyang lubos niyang ikinalungkot ang mga ulat ng lindol sa Mindanao na nagdulot ng pagkasira at pagguho ng maraming gusali sa rehiyon.
“I am deeply saddened by reports that the major earthquake that struck off Mindanao in the southern Philippines today has caused damage, including the collapse of buildings,” pakikidalamhati ni Takaichi.
Saad pa ng punong ministro, ipinaabot niya ang kaniyang pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawing biktima dahil sa trahedya.
“I extend my heartfelt condolences to all those who lost their lives and to their bereaved families, and my sincere sympathies to all those affected,” ani Takaichi.
Dahil dito, tiniyak ni Takaichi na nakahanda ang Japan na magpadala ng mga karagdagang tulong upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente sa Mindanao.
“Japan stands ready to provide all possible assistance that the Philippines may need, based on local needs,” pagtitiyak ni Takaichi.
“Japan always stands with the people of the Philippines,” aniya pa.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Herstory!’ Sanae Takaichi, unang babaeng Prime Minister ng Japan
Matatandaang lumipad sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Japan para sa isang state visit noong Mayo 26 hanggang 29.
Dito ay nilayon nilang makipagpulong kay Takaichi upang pagtibayin ang relasyon ng Japan at Pilipinas at paigtingin ang usapin tungkol sa internal developments.
MAKI-BALITA: PBBM, FL Liza lilipad pa-Japan para sa isang state visit sa Mayo
KAUGNAY NA BALITA: Seguridad, ekonomiya tatalakayin sa Japan state visit ni PBBM sa Mayo 26-29