DALAWANG magkaibang laban ng pag-ibig ang nagpapainit ng umaga sa pagpapatuloy ng hit morning serye na Sana Dalawa ang Puso.

RICHARD AT JODI

Determinado na sina Lisa (Jodi Sta. Maria) at Leo (Robin Padilla) na panindigan ang kanilang pagmamahalan. Kahit itakwil pa siya ng ama, mas sinunod ni Lisa ang pintig ng kanyang puso at sumama na kay Leo kapalit ang kayamanan at karangyaang nakasanayan niya.

Pero hindi titigil si Juancho (Christopher de Leon) na sirain sila. Kayanin kaya nila ang mga pagsubok na darating sa kanilang relasyon?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, pagmo-move on naman ang inaatupag nina Mona (Jodi) at Martin (Richard Yap). Dala ng nangyari, napalitan ang palangiti at mabait na Martin ng lalaking seryoso at malamig ang pakikitungo sa kanyang mga empleyado.

Sa kabila nito, tuloy ang trabaho at kinailangan niyang kumbinsihin si Mrs Chavez (Pilita Corales) na nagmamay-ari ng Tagpuan. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil sa kanyang pagdating ay nakasalubong niya si Mona na kasalukuyang nagtratrabaho sa naturang resort.

Matuloy pa kaya ang plano nilang pagmomove-on?

Huwag palampasin ang Sana Dalawa ang Puso bago ang It’s Showtime sa ABS-CBN. Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o saskyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.