WASHINGTON (AP) — Tinanghal na pinakabatang player sa edad na 19 na nakagawa ng three-run homer si Juan Soto sa kanyang career start sa Washington Nationals na umiskor ng 10-2 panalo kontra San Diego Padres nitong Lunes (Martes sa Manila).
Nag-ambag si Mark Reynolds ng two solo home runs para sa Nationals na natuldukan ang three-game losing streak. Kumana rin si Bryce Harper ng home run at RBI double.
Ang birada ni Soto ang nagtampok sa dominanteng five-run second inning para sa Washington. Nakuha ng sumisikat na outfielder, nakalaro sa tatlong koponan sa minor league, ang unang homer mula sa pitch ni Robbie Erlin (1-3). Umiskor din si Soto ng singled run.
Umabot sa layong 442 feet ang homer ni Soto sa Nationals Park at binigyan siya ng ‘standing ovation’ nang nagdiriwang na crowd. Batay sa record ng Baseball-Reference.com, si Soto ang unang teenager na nakaiskor ng home run sa major league mula nang makagawa ng marka si Harper noong Sept. 30, 2012.
Matapos tawagan ng Washington nitong Linggo, si Soto ang unang 19-year-old na naglaro sa major league mula nang magawa ni Dodgers pitcher Julio Urias noong 2016.