TAMA lang na si Robin Padilla ang manalong All Time Favorite Actor para sa pelikulang Unexpectedly Yours at ang leading lady niyang si Sharon Cuneta naman ang All Time Favorite Actress.

Robin & Mariel GMMSF

Natatandaan namin na tila napilitan lang si Robin na gawin ang Unexpectedly Yours dahil ginagawa rin niya noon ang Utol Kong Hoodlum 3 sa sariling produksiyon.

Pinakiusapan siya ng hindi pa nagreretiro noong Star Cinema boss na si Ms. Malou Santos na gawin ang pelikula dahil umurong nga si Gabby Concepcion.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bukod dito, ayaw din ni Binoe na magpaputol ng buhok para ‘di masira ang continuity ng Utol Kong Hoodlum 3.

Malaki ang kinita ng pelikula kaya napalitan ng tuwa ang mga agam-agam ni Robin na hindi para sa kanya ang pelikula kahit sinasabi pang ilang beses nang pinalitan ang script.

Deserving siya sa All Time Favorite Actor award, lalo na kung iisipin na bukambibig pa rin ng fans ang pangalang Robin Padilla. At sino ang mag-aakala na 50 anyos na siya lalo na sa gupit niya sa napapanood sa Sana Dalawa Ang Puso kasama sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria?

Sa ipinost na litrato ni Robin kasama ang asawang si Mariel Rodriguez ay may caption siyang, “Bismillahi was salatu was salamu wa rasoolilahi. Assalamu alaikum wa rahmatullahi wa barakatuhu. Ash hadu anla ilaha ilalah ash hadu anna muhamad rasoolulah. Ako po’y buong pusong nagpapasalamat sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa pagkilala sa akin bilang Paboritong Aktor sa lahat ng Panahon. Ako’y lubos din nagpapasalamat sa lahat po ng nanood at sumuporta sa Unexpectedly Yours.

“Ako po’y nagpapasalamat din kay Ms. Sharon Cuneta, kay Joshua Garcia, Julia Baretto, sa Star Cinema boss Malou Santos at Olive Lamasan, sa aming direktor na si Cathy Garcia-Molina at higit sa lahat sa mga hindi natulog na creatives, staff at crew ng Star Cinema.”

Dahil sa nag-click na pelikula ay inialok kay Robin ang seryeng Sana Dalawa Ang Puso na mataas ang ratings.

In fairness, wala pa ring kupas magpakilig si Robin, feeling milenyal ang dating sa manonood kahit na sinauna ang estilo sa panliligaw na iyon pa rin naman ang tama.

Nakakatawa ang umereng episode nila hindi matanggap ng tatay ni Lisa (Jodi) na si Juancho (Christopher de Leon) na si Leo Tabayoyong (Robin) ang boyfriend ng anak.

–Regee Bonoan