INILABAS na ng rising singer na si Jayda ang kanyang kauna-unahang single na Text kamakailan kasama ang makulay na music video nito sa ilalim ng Star Music.

Ito ang unang proyekto ng record label para sa 14-anyos singer na isa sa mga pinakabagong miyembro ng Star Music family.

Sa music video launch ng Text, ikinuwento ni Jayda na sinulit niya ang mga kanta noong siya ay 12 taong gulang pa lamang. Aniya, “Matagal ko nang hinintay ito. Isa siyang ‘dream come true’ para sa akin.”

Ginunita naman ng Star Music audio content head at music producer na si Jonathan Manalo ang paghanga niya sa talento ng dalaga.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Kung nakakasulat siya ng ganitong kanta sa edad na 12, sigurado pagdating niya ng 15, 17, mas maganda pa. Sobrang blown away ako sa quality ng songwriting at craftsmanship niya,” kwento niya.

Kabilang ang Text sa upcoming EP ni Jayda na may titulong In My Roomna naglalaman ng limang orihinal na kanta, na lahat isinulat at co-produced ni Jayda.

Maaari nang ma-download ang first single ni Jayda na Text sa Spotify, iTunes, at Amazon, habang ang kaniyang music video ay mapapanood sa official YouTube page ng Star Music. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.