NAGTANGHAL ang K-pop superstars na BTS sa 2018 Billboard Music Awards para sa TV performance debut ng kanilang bagong single na Fake Love, at namangha ang buong GM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

BTS

Humataw sina RM, J-Hope, Jin, Jimin, Jungkook, Suga at V sa kanilang performance, sa pamamagitan ng kanilang intricate dance moves sa harap ng nagniningning na mga kapwa bituin, at walang dudang nag-standout sa show.

Ayon sa ulat ng Entertainment Tonight, nagtanghal ang BTS sa Music Award, pagkaraan ng isang taon simula nang matalo ng grupo sina Justin Bieber at Selena Gomez bilang Top Social Artist sa awards show noong 2017, at tinanghal na kauna-unahang K-pop group na nagwagi sa Billboard Music Award. Muling nakamit ng grupo ang naturang parangal nitong nakaraang Linggo ng gabi.

Nadine Lustre naging kamukha na raw ni James Reid

Mukhang kalmado, cool at kampante ang mga miyembro ng K-pop group nang naglakad sa red carpet, ilang oras bago nagsimula ang show, suot ang makukulay na outfit – ngunit nang makapanayam ng ET ay inamin nilang medyo “nervous” silang magtanghal.

“(We feel) amazing! Amazing,” masayang sabi ni J-Hope. “It’s more nervous because you know, it’s a world premiere. We never expected something like this, it’s beyond our dreams,” dagdag pa ni RM. “It would be a lie if we were, like, less nervous.”

Ang Fake Love ang unang single sa kalalabas na Love Yourself: Tear album ng banda, na nakatuon sa “dark side” ng love.

Sinabi ni RM sa ET na malalaman ng fans ang storyline sa kabuuan ng kanilang pagtatanghal, gayundin ang iba pang aspeto na may kinalaman sa kanilang album.

“This time, this album, (the storyline is) if you’re not too sure of yourself, your love finally won’t last. You will see in the choreography, in the lyrics, you will see after when it releases,” aniya