HABANG nagsasagawa ng programa ang Philippine National Games (PNG) sa Cebu, aksiyong umaatikabo naman ang labanan ng siyam na local government units (LGUs) para sa PNG Rugby 7s event simula kahapon sa Southern Plains sa Laguna.

Sabak ang mga koponan mula sa Olongapo City, Pampanga, Palawan, Albay, Quezon City, Makati City, Cebu City, Davao City at General Santos City sa national championships sa ladies’ and men’s division.

Itinatampok sa PNG ang mga talento ng Pinoy na may edad 16 pataas at ginagamit na batayan sa pagpili ng mga miyembro ng national pool, developmental at regular slots.

Liyamado ang Pampanga, na magtatangka sa back-to-back title, habang nakatuon ang pansin sa Cebu sa ladies class.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!