LAGING Make Your Mama Proud mode si Bimby na after ng ipinakitang likas na kahusayan sa pag-iinterbyu at pagiging articulate (kanino pa ba naman magmamana?), na-maintain niya ang mataas na grades sa third quarter ng 2018.

KRIS AT BIMBY

Kaya may karapatan si Kris Aquino na ipagmalaki ang anak at i-congratulate ito.

Ipinost ni Kris ang card ni Bimby at makikitang may subject na mas tumaas ang grades, meron namang maintain. Ang Art, Music at Physical Education, mula pa ist quarter hanggang 3rd quarter, “A”.

Tsika at Intriga

Jon Lucas nag-react sa photo ng SB19 sa Billboard PH, inalala ang Hashtags

Ang English, from 92%, naging 96% at ngayon, 98% na. Ang Reading, from 94 %, naging 98 % at ngayon 99%. Ang Spelling, from 100%, naging 95% at sa 3rd quarter, balik sa 100%. Nakaka-proud naman talaga ang bagets!

Ito ang buong grading card ni Bimby at ang caption ni Kris: “Allow this mama for being SUPER PROUD. I encouraged Bimb to live up to his true potential because he got 2 subjects in the 80s bracket during 2nd quarter. #challengeaccepted & EXCEEDED! He’s now 25% of the way finished with 4th quarter & he’ll be done with 5th grade soon... #family #inspiration #lovelovelove.”

Sa nagtanong kung bakit walang Filipino subject si Bimb, sabi ni Kris, “He has Filipino every Friday -- separate curriculum because he’s enrolled in a American Catholic home schooling program.”

Nakakatuwang magbasa ng comments sa Instagram (IG) ni Kris dahil hindi lang si Bimby ang kinongratulate, pati na rin si Kris. Kabilang nga sina Pokwang, Toni Gonzaga, Direk Chris Martinez, Nicko Falcis, sa mga nag-congratulate sa mag-ina.

–Nitz Miralles