MAGTATAPOS na today ang The One That Got Away at hindi lang ang viewers ang makaka-miss sa sexy rom-com series ng GMA-7. Pati ang cast ng show, mami-miss ang isa’t isa dahil naging very close sila at parang one whole family na.

MAX LOVI AT RHIAN

Nalungkot ang cast sa nakabasa sa post ni Rhian Ramos tungkol sa TOTGA: “So. Much. Love! So many memories. So much gratitude. With ont last taping day to go, I’m looking back at these BTS shots with fog in my glasses. I loved working with these people. May mga iba pa, pero hindi na kasya!!!”

“NAKAKAIYAK!!!” ang reaction ni Direk Mark dela Cruz at ganu’n din ang ibang cast. Hindi na kasi sila magkikita-kita sa taping na dahil enjoy ang lahat, hindi nila inisip na trabaho ang kanilang ginagawa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nag-post din si Lovi Poe ng photo nila nina Rhian, Direk Mark, Patricia Ysmael, Nar Cabico at Max Collins at nilagyan ng caption na, “Why the set feels like home?”

Matagal bago uli magkasama-sama ang TOTGA gang sa show ng GMA-7, kaya ninamnam ng cast ang kanilang samahan hanggang sa last taping day. Puwede nang kumain nang kumain si Ervic Vijandre na pabirong nagreklamo na papayat siya dahil nahihiya siyang kumain dahil nagda-diet sina Lovi, Max at Rhian.

Nakakahiya raw kumain nang kumain kung ang mga bida ay nuts at fruits lang ang kinakain sa taping.

–Nitz Miralles