Ni REGGEE BONOAN

HINDI na pala ‘so connected’ ang mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador.

Jenine at Janella

Jenine at Janella

Sa Twitter account ni Jenine, may follower na nagtanong kung binati siya ni Janella nitong nakaraang Mother’s Day. Ang mabilis na tugon ng ina ng aktres, “No, she didn’t.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya pala nang subukang itanong kay Janella ang ina pagkatapos ng presscon ng upcoming movie nila ni Jameson Blake na So Connected ay magalang siyang tumanggi at sinabing ayaw niya itong pag-usapan.

Hindi na bago ang ganitong senaryo sa mga batang artista na nakakasamaan ng loob ang magulang nila, maging noong araw ay ganito rin ang mga nangyari. Pero kalaunan, nagkakaayos din naman.

Ang payo lang namin kay Janella na sana ay hindi niya masamain, mas makabubuti kung makikipag-ayos na siya sa nanay niya para mas lalong gumanda ang career niya.

Tandaan, at alam din naman ito ng lahat, na kapag isa sa pamilya mo ang hindi mo kasundo ay mabigat ang pag-asenso. E, di lalo na ang ina na siyang nagbigay sa iyo ng buhay.

Naalala namin ang isang young actress na nakasamaan ng loob ang tatay, at kahit ilang projects na ang ibinigay sa kanya ay hindi siya umangat-angat dahil may hinapis siyang tao.

Pero simula nang magkaayos silang mag-ama ay sunud-sunod na ang projects niya na pawang box office hits, bukod pa sa napakaraming TV commercials at panibagong teleserye.

Mas gagaan ang lahat para kay Janella kung magkakaroon sila uli ng connection ng Mama Jenine niya. Anuman ang sabihin nito sa ‘yo, nanay mo pa rin siya na ayaw kang mapasama. Mother knows best.

Anyway, good start siguro kung iimbitahan ni Janella si Jenine sa premiere night ng So Connected tutal hindi naman si Elmo Magalona ang partner kaya I’m sure na dadalo ito.

Showing na ang So Connected sa Mayo 23 mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana for Regal Films