Ni Annie Abad

PASISINAYAAN ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang dalawang araw na event para sa Sports for Peace Children’s Games at Open Water Swim sa Dinapigue Town sa Isabela Province.

Pangungunahan ni PSC Chairman Chairman William ‘Butch’ Ramirez, ang nasabing pagbubukas ng laro para sa kabataan sa coastal town ng nasabing lalawigan na kabilang sa pamosong Benham Rise.

“This is the the true meaning of sports for all and a part of our PSC grassroots program in the country side” pahayag ni Ramirez.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Ang nasabing proyekto ay sinimulan noong Mayo ng nakaraang taon kung saan pinangalanang sports for peace bunsod na rin ng naganap na giyera sa Marawi.

Layunin ng nasabing proyekto na maghanap ng bagong talento na maaring maging National athlete sa darating na panahon at maging kinatawan ng bansa sa mga kompetisyon sa labas ng bansa.

Una nang binisita ng Children’s Games ang mga lugar ng Baguio, Benguet, Bontoc, Surigao del Notre, Kalibo, Maasin, San Carlos, Guimaras, at San Pedro City.