Hindi kagandahang balita para sa mga motorista.
Napipintong magpatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 95 sentimos hanggang P1.05 ang kada litro ng gasolina at diesel, habang 80-90 sentimos naman sa kerosene.
Ang nagbabadyang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagtaas ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Katatapos lang magbawas ng 60 sentimos sa kerosene at 30 sentimos sa diesel at gasolina noong nakaraang linggo. - Bella Gamotea