Maine at Alden
Maine at Alden

Ni NORA CALDERON

CONGRATULATIONS kina Alden Richards at Maine Mendoza dahil ang love team pa rin nila ang pinakasikat sa showbiz, ayon sa Twitter. Inabot ng millions ang followers nila from January to April 2018. Tinalo nila ang ibang sikat na love teams sa bansa.

Narito ang announcement ng Twitter Philippines sa achievement ng AlDub love team:

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Congratulations #AlDub @mainedcm and @aldenrichards02 for topping the Twitter chart in January  to April, 2018.  With millions of followers, they continue to speak hundred of conversations and generate millions of tweets worldwide.”

Simula nang mabuo ang AlDub love team, nagsimula na rin ang araw-araw na hashtag nila sa Eat Bulaga at nagpatuloy ito kahit may mga naninira na sa love team.

Hindi nasisiraan ng loob ang AlDub fans nila na tuluy-tuloy pa rin ang paggamit ng hashtags daily, nagsisimula ng 12:01 AM hanggang 12:00 midnight of the same day.

Last Saturday, May 12, nag-trending ang hashtag na #ALDUBStandingStrong sa Eat Bulaga na nagkaroon ng concert si Alden with the Broadway Boys.  Maraming umiyak sa segment para sa Mother’s Day Special ng noontime show. Ipinarinig muna ni Alden ang first single sa bagong niyang album sa GMA Records, ang I Will Be Here. Sinundan  ito ng Everything I Own, Line to Heaven at huli ang theme song nila at ng AlDub Nation na God Gave Me You.

Itinuring ng AlDub Fans na lahat ng songs ni Alden ay connected kay Maine at ang Line To Heaven naman ay para sa kanyang yumaong ina si Mommy Rosario Reyes-Faulkerson.  

Ang daming fans na nag-tweet na ngayong hindi umiyak si Alden habang kumakanta ay sila naman ang napaluha dahil bumabalik ang mga nangyari na noon sa pagmamahal nila kina Alden at Maine.