Ni Nora Calderon

MARAMI ang nagtatanong kung bakit pa raw pumirma ng contract si Ms. Nora Aunor. Hindi ba mas makabubuti kung maging freelancer na lamang ang Superstar? Pero nagsalita ang mahusay na actress nang pumirma siya sa GMA ng, “Ang puso ko talagang nasa GMA.”

nora

Kung may mga panahon na walang ginagawa si Guy, bigla na lamang siyang may gagawing project sa Kapuso Network.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At ang first project niya sa kanyang bagong program contract ay ang Extraordinary Love (working title). Masaya siya na pawang mahuhusay ang mga artistang kasama niya at ang kaibigang si Gina Alajar pa ang director.

Walang problema sa taping dahil ang GMA na mismo ang nagbigay ng cut-off period para sa kanya. Maaga siyang nagti-taping kaya maaga rin siyang napa-pack-up.

“Masaya ako sa bago kong project dahil naiiba ang story nito at malapit sa puso ko. Sa ngayon nga ay tuluy-tuloy ang taping namin at lahat kami ay excited nang maipapanood ito sa inyo.”

Kaabang-abang ang drama serye dahil makakasama ni Ate Guy si Ms. Cherie Gil at ang young stars na mahuhusay ding umarte na sina Mikee Quintos at Kate Valdez at ang baguhang si Jo Berry, kaya tiyak na maglalaban-laban sila sa aktingan.

May isang naalaalang itanong kay Guy, ang tungkol sa pagiging National Artist niya. A few years back, kasama siya sa pinagpilian para tumanggap ng National Artist award, pero hindi iyon natuloy. Ngayon ay wala nang balita kung ipagkakaloob pa ba iyon sa kanya.

“Never ko namang inisip na maging National Artist,” sabi ni Ate Guy. “Salamat sa mga sumusuporta na gusto akong maging National Artist. Pero naniniwala ako na may mas deserving tumanggap noon, iyong mga nauna pa sa akin. Marami pa tayong mga kasama sa industriya na karapat-dapat tumanggap nito.”

Sa ngayon ay nakatuon ang panahon niya sa pagtupad sa bagong kontrata sa GMA at sa ginagawa nilang teleserye.