Ni NORA CALDERON

Dumarating ang kalungkutan, depression o anxiety attack kahit kanino, maging si Manilyn Reynes, na ngayon ay 36 na taon na sa showbiz.

Manilyn Reynes IWALY 2 copy

Masayahin kasi si Manilyn kaya hindi aakalain na dumanas din pala siya ng ganito sa buhay niya.

Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama

“Ye s po, ma t apos kong isilang noon ang panganay ko si Kyle,” nakangiting pag-amin ni Manilyn. “Siguro po nabigla ako nang bigla akong nag-withdraw sa showbiz, mahirap talaga iyong n a k a s a n a y a n mo n g ginagawa ‘tapos bigla k ang hihint o . Ba t a pa po kasi ako noon, kumakanta na ako at doon ako na-discover, from singing to acting. Kaya naman after that, balik-s h o w b i z mul i ako, a t k a h i t nasundan pa si Kyle na ngayon ay 21 years old na, ni Kirk, 15 at ang bunso namin ni Aljon, si Ka e l , 6 years old, hindi na ako huminto sa showbiz. Si Aljon (Jimenez) Manaloto ang tumayo na ring manager ko.”

Bakit hindi siya kumuha ng ibang magma-manage ng career niya?

“Mas okey sa akin na si Aljon ang manager ko, kasi p’wede ko siyang sabihan na ayaw ko ng project na inio-offer sa akin, kaya bago namin tanggapin pinag-uusapan naming mabuti kung makabubuti sa akin.”

Ma t a g a l n a s a showbiz si Manilyn, pero never siyang nagkaroon ng issue at dahil ito sa pagiging likas na mabait at very professional, a t w a l a n g negat ibong attitude sa buhay.

“Hindi n a m a n d a p a t magkaroon ng attitude, k a s i a k o never kong inilagay sa i s ip ko na popular ako, pare-pareho lang kaming nagtatrabaho at wala akong problema sa ganoon. Tulad ngayon, happy ako sa reunion romantic-comedy series namin ni Barbie (Forteza) itong Inday Will Always Love You. A year ago pa lang nang gawin namin ang rom-com series namin na Meant To Be at ngayon, nanay ulit niya ako.

“Si Barbie ang isa sa mga youngstars ngayon na hindi mo rin kakikitaan ng attitude, tulad nga ng sabi ni Ricky Davao kanina sa presscon, isang role model si Barbie ng mga bagong mag-aartista. Kung gusto nilang sumikat, gawin nilang example si Barbie, dahil pinaghirapan niya kung ano na ang narating niya ngayon.”

Nagsimula ang istorya ng kanilang bagong serye sa Maynila pero na-demolish ang bahay nila. Walang trabaho, inakit si Inday Happylou (Barbie) ng kaibigan niya na pumunta siya sa Cebu at doon na magtrabaho. Kaya si Manilyn, na isang Cebuana talaga ay natuwa nang pumunta sa Cebu para doon mag-taping ng serye na idinidirihe nina Monti Parungao at Rember Gelera.

“Hindi ko lang sure kung babalik pa kami ng Cebu, dahil hindi pa tapos ang taping namin,” ani Manilyn.

Ang Inday Will Always Love You ay produksiyon ng GMA News & Public Affairs sa primetime block at mapapanood na simula sa Monday, May 21, after ng Kambal Karibal.