July 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Heart Evangelista, Chiz Escudero iniintrigang hiwalay na!

Heart Evangelista, Chiz Escudero iniintrigang hiwalay na!
Photo Courtesy: Chiz Escudero

Tila hindi tinatantanan ang mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero ng tsikang hiwalayan, ayon sa batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Hunyo 15, sinabi ni Cristy na nag-ugat umano ang intriga ng hiwalayan sa madalang na pagpapaskil ng mag-asawa tungkol sa isa’t isa.

Kaya naman pinuri ng batikang showbiz columnist ang pananahimik nina Sen. Chiz at Heart sa gitna ng isyu.

Aniya, “Hindi lang gaanong nagpo-post si Heart at saka si Sen. Chiz, hiwalay na naman. Kaya tama ‘yan. Dedmatology 101. Ano? Sasagot kayo?” 

“Tapos mula sa sagot ninyo, pupulaan kayo. Gagawa na naman ng panibagong imbentong kuwento. Mas maganda na wala kayong sasabihin,” dugtong pa ni Cristy.

Tsika at Intriga

Kinontra si Kara David? Boss Toyo, nag-sorry sa naratibo niya tungkol sa dumpsite sa Subic

Samantala, natuwa naman ang co-host ni Cristy na si Romel Chika sa umano’y panunumbalik ng dating sigla ni Heart.

“Tama ‘yong ginagawa ni Heart. Ibalik niya kung gaano siya kasigla dati na wala pang ganitong isyu. Ibalik niya kasi hinahanap talaga siya ng mga tao,” saad ni Romel. 

Sa kasalukuyan, nagho-host si Heart ng pinakabagong game show ng GMA Network na “The People Have Spoken” kasama si Kapuso Sparkle artist Sean Lucas.

Kamakailan lang din ay inilunsad ang official music video ng “Teka lang” ni TJ Monterde kung saan nag-reunite sina Heart at John Prats.

Matatandaang isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Abril ay inamin ni Heart na si John ang itinuturing niyang first love.

Maki-Balita: Heart Evangelista, first love si John Prats