Ni Nitz Miralles

PUMIRMA ng kontrata sa GMA Network si Nora Aunor nitong Miyerkules at sa post ni Kapuso Girl na, “The one and only Superstar Ms. Nora Aunor signs a contract with GMA for an upcoming primetime series,” malinaw na per project contract ang pinirmahan ni Nora at hindi pangmatagalan.

NORA copy

Para sa primetime series na Extraordinary Love ang pinirmahang kontrata ni Guy na tungkol sa ibang klaseng pagmamahal ng isang ina sa kanyang dalawang anak, na ang isa ay ginagampanan ng bagong Kapuso na si Jo Berry. Ipinagmamalaki rin ni Nora ang kahusayan ng kanyang co-stars.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Excited na ang Kapuso viewers sa confrontation scenes nina Nora at Cherie Gil na kasama sa Extraordinary Love mula sa direction ni Gina Alajar.

Kung hindi sa June, sa July ang airing nito, kapalit ng Kambal Karibal.