MAGPA-PILOT na sa May 21 ang Inday Will Always Love You tampok ang love team nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio at ng gumaganap na ka-love triangle nilang si Juancho Trivino.

DERRICK copy

Sa presscon, nasagot kung bakit mula sa original title na Bongga Ka, ‘Day ay naging Inday Will Always Love You ang title ng rom-com series nina Barbie at Derrick. Ang hindi na sinagot ay kung bakit nagpalit ng director dahil una nang nasulat na si Joey Reyes ang magdidirihe ng rom-com series, pero isa ring magaling na direktor ang pumalit sa kanya, si Monti Parungao.

Sana lang, hindi na ulitin ni Derrick sa promo ng Inday Wil Always Love You ang sinabi sa presscon ng movie nila ni Barbie na Almost A Love Story na hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa kay Barbie. Trying hard ang dating ‘pag ganu’n ang takbo ng promo dahil alam niya at alam nating lahat na boyfriend ni Barbie si Jak Roberto.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Si Derrick ang napupulaan, showbiz daw at pilit ang dating, kaya ang request ng fans, ang magandang material na lang ang i-promote. Sa napanood naming trailer, nakakaaliw at nakakatawa ang Inday Will Always Love You .

Maraming eksena silang kinunan sa Cebu at pati yata sina Gladys Reyes at Manilyn Reynes ay nagpunta roon.