Ni NITZ MIRALLES

NAPANOOD namin ang first video ni Gary Valenciano after his open heart surgery na ina-assure ang kanyang fans na okay siya, katunayan ang paggawa na niya ng video message.

ANGELI AT GARY LANG_please crop copy

‘Yun nga lang, hindi pa siya nakakauwi ng bahay, nakahiga sa hospital bed, at dahil medyo bukas sa may dibdib ang hospital gown, kita ang bahagi ng katawan na inoperahan at may nakatakip na gauge.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Part ng message ni Gary sa kanyang fans ang pangakong babalik siya sa mga TV show niya.

Natawa lang kami sa post ni Luis Manzano sa video ni Gary dahil ang sabi ba naman, “Recover well T. Gars!!! Let me know if you want, puwede kunin ‘yung puso ng kapitbahay ko habang tulog siya, wala naman ‘yung ibang ginagawa ‘pag umaga kundi mangulangot. Love you!!!”

Sa comment na ‘yun ni Luis, napagalitan siya ni Angeli at sabi, @luckymanzano you’re not supposed to make him laugh, Luis!!! BEHAVE!!!!!”