Ni NORA CALDERON

NANG mapanood si Gelli de Belen na nag-guest sa last Saturday sa episode ng Tadhana, ang drama anthology na true stories ng ating Overseas Filipino Workers hosted by Marian Rivera, marami ang nagtanong kung balik-Kapuso na ba siya uli o kung freelancer na siya.

GELLI copy

Matatandaan na din sa ABS-CBN after staying for so many years sa Kapuso Network. Ang alam namin, isang teleserye lang ang ginawa ni Gelli sa Kapamilya Network.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Bumalik kaya si Gelli sa GMA ngayong Kapuso na uli ang best friend niyang si Carmina Villaroel na isa sa cast ng Kambal Karibal na ilang beses nang nai-extend? Although ang kapatid niyang si Janice de Belen ay bumalik naman sa ABS-CBN dahil may gagawing teleserye with Angel Locsin, Ryza Cenon at Ms. Maricel Soriano.

Batay sa isang picture online, mukhang nasa Luminary na ni Popoy Caritativo si Gelli.

Nasagot ang tanong nang mag-post ang GMA last Tuesday ng kuha sa story conference para sa bagong teleserye titled Ika-5 Utos na kasama sa cast si Gelli, with Jean Garcia, Tonton Gutierrez, Jhake Vargas, Inah de Belen, Jeric Gonzales, Klea Pineda, Migo Adecer, Valerie Concepcion, Antonio Aquitania at si Ms. Laurice Guillen ang director.

Matatandaang si Direk Laurice ang nagdirek ng naging top-rating afternoon prime drama series na Ika-6 Na Utos (“Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa).” Ang ikalimang utos sa Holy Bible ay “Huwag Kang Papatay.”

Maraming nag-comment sa naturang post na natutuwa sila sa pagbabalik ni Gelli sa GMA-7. Marami rin ang natuwa na muling magtatambal ang real lovers na sina Jhake at Inah.

May mga nagri-request naman na sana raw ay iginawa na lamang ng sariling soap sina Jeric at Kyline Alcantara na nakikita ng malakas na chemistry sa tinututukang primetime series na Kambal Karibal.