Ni Nitz Miralles

KARAMIHAN, ang kahusayan sa pag-arte ang nagugustuhan kay Bea Alonzo at maging kami rin naman, gusto namin ang estilo niya sa acting. But more than her acting, what we love about Bea is her being a bookworm at nadiskubre namin ang hilig niya sa pagbabasa ng libro in an earlier interview.

Articulate si Bea at hindi nauubusan ng right words to say sa pagsagot sa mga tanong ng reporters dahil marami siyang baong salita at bagong ideas, na inaamin niyang nakukuha niya sa pagbabasa.

Very evident ang pagiging articulate ni Bea sa presscon ng Kasal, ang kick off movie sa 25th anniversary ng Star Cinema at showing starting May 16 mula sa direction ni Ruel Bayani. She uses the right words at ang gandang pakinggan habang nagsasalita siya.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Samantala, sa Kasal, ginagampanan ni Bea ang role ni Lia Marquez set to marry Philip Cordero (Paulo Avelino), pero muling eeksena sa buhay niya ang ex-boyfriend niyang si Wado dela Costa (Derek Ramsay) at dito magsisimula ang conflict. Magkakaroon ng doubt si Lia sa feelings niya kay Philip.

Tungkol siyempre sa marriage ang pelikula, kaya natanong si Bea kung naniniwala siya sa kasal.

“It is a kind of commitment and I believe, bagay na hindi pinaplano. Pero naniniwala ako sa kasal,” sagot niya.

Isa ang Kasal sa movies ng Star Cinema na may pinakamagandang poster. Nagamit na ang ganu’ng concept na mga ulo lang ng bida ang nasa poster, pero parang bago pa rin dahil kina Bea, Paulo and Derek.

Samantala, sa mga nagtatanong sa estado ng relasyon nina Bea at Gerald Anderson, “Hindi sa ngayon” ang sagot ni Bea sa tanong ni MJ Felipe ng ABS-CBN News kung silang dalawa pa.

Sa follow-up question kung single siya, “Technically. But of course we’re talking, we’re okay,” sagot ng dalaga.