HINDI pinalampas ni Rapper 2 Chainz ang isa sa mga pinakaglamorosong pagkakataon at lugar upang alukin ng kasal ang kanyang girlfriend na si Kesha Ward.
Nagulat ang lahat ng dumalo, lalo na si Ward nang lumuhod ang rapper sa harap niya at nag-propose. Ayon sa People, si Ward ang “longtime love” ng rapper.
Hindi naman nagkamali si 2 Chainz dahil naging matagumpay ang kanyang proposal.
Siyempre, hindi lang si 2 Chainz ang celebrity na gumawa ng kaparehong proposal sa popular na Met Gala steps. Noong 2004, nag-propose rin si Donald Trump kay Melania Trump sa kaparehong sitwasyon, ayon sa ulat ng Entertainment Tonight.