TINANGHAL si Hafþór Júlíus Björnsson, gumaganap na si Ser Gregor “The Mountain” Clegane sa Game of Thrones, bilang pinakamalakas na lalaki sa buong mundo.

Hafþór sa gitna copy

Nagwagi si Björnsson sa taunang World’s Strongest Man competition na ginanap sa University of the Philippines nitong Sabado, makaraang makipagtunggali sa iba’t ibang larangan upang masubok ang tatag at lakas ng mga kalahok, sa loob ng dalawang araw.

Ayon sa Entertainment Weekly, pumangalawa ang aktor sa events kabilang ang paghila ng bus. Sa kabuuan, siya ang nakakuha ng pinakamalaking puntos para kilalanin at gawaran ng nasabing karangalan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nag-post si Björnsson sa Instagram ng kanyang larawan na kuha sa taas ng podium, hawak ang gintong tropeo.

“Want to thank all of my family, friends and fans for supporting me along the way,” sabi niya. “Congratulations to @kieliszkowskimateuszand @shawstrength for their second and third finishes!”

Bagamat ito ang unang pagkakatasungkit ni Björnsson sa titulo ng world’s strongest man, nakapagtala na siya ng strongman records noong nang siya ang unang nagwagi sa Arnold Strongman Classic, Europe’s Strongest Man at World’s Strongest Man, ayon sa ulat ng The Wrap.