Ni Nitz Miralles

HINDI na nakatiis si Lea Salonga, nag-tweet siya ng suporta para kay Angeline Quinto na ayaw pa ring tigilan ng bashers kahit wala namang katotohanan ang isyu.

lea

Nag-react na kasi si Angeline sa basher na ang mom niya ang pinuntirya sa hate tweet.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Tweet ng basher: “Hoi plastic, mamatay daw nanay mo bago mag-mothers day... kaya magmakaawa ka na sa kaplastikan mo...”

Sumagot si Angeline ng, “Hindi mo alam ang epekto nito sa akin. Sana ako na lang ang winish mong mamatay. Hindi ang Mama ko. Walang kasalanan ang Nanay ko sa ‘yo. Sana makilala kita, Eddie. Sana makapagharap tayo. Sana magpakita ka sa akin.”

Dito na nag-tweet si Lea na kung nabasa ni Angeline, siguradong nabawasan kahit paano ang sama ng loob niya sa basher.

“One, ang punong walang bunga ay hindi binabato. Two, ang mga gumagawa ng ganoon ay duwag. Wala siyang tapang magpakita sa iyo. Hanggang sa Twitter lang ang kanyang lakas loob. Three, mas maraming nagmamahal sa ‘yo kesa hindi. Magpakatatag ka.”

Ang payo kay Angeline, kung itutuloy niya ang demanda sa inireklamong unang basher na nagmura sa kanya at nagbantang ipatutumba sila ng kanyang ina, isama na rin niyang kasuhan itong nag-wish na mamatay ang Nanay niya.