Ni NORA CALDERON

UNA naming nasulat after ng press launch ng My Guitar Princess na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose, Kiko Estrada at Gil Cuerva, ang tungkol sa maysakit na lola ni Kiko.

Kiko Estrada - MGP copy

Si Nena Diaz ay asawa ng namayapa nang si Paquito Diaz, ang mga magulang ni Cheska Diaz na nanay naman ni Kiko. May stage 4 pancreatic cancer si Nena at malungkot na naikuwento ito ni Kiko sa reporters pati na ang kanyang huling pagdalaw sa ospital.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

After a few days, pumanaw na rin si Nena na lalong ikinalungkot ng young actor.

Nang muli namin siyang makausap, aniya, kaya niyang ipagpalit ang career niya basta gumaling lamang ang kanyang lola.

Pero siguro raw ay time na rin ng kanyang Lola Nena para magpahinga, mas mahirap daw kasi sa kalooban niya na nakikita itong nahihirapan. At magkakasama na ang kanyang Lola Nena at Lolo Paquito.

“Kaya ang pagkawala ni Lola Nena, magiging inspirasyon ko para lalong pagbutihin ang trabaho ko,” sabi ni Kiko.

“Mabuti rin po na busy ako sa work ko ngayon, three times a week nagti-taping ako ng My Guitar Princess at since masaya ang set namin, madalas ay nagkakantahan kami kapag break, nagiging light sa akin ang lahat. May dalawa rin po akong movie, ang Walwal at My Stepmother’s Lover plus isa pang movie na hindi ko pa pwedeng sabihin kung ano.”

Bukas na ang pilot episode ng My Guitar Princess, gumaganap si Kiko bilang si Justin, confidante ni Celina (Julie Anne) na mai-in love sa kaibigan na lagi niyang ipinagtatanggol sa dalawang pasaway na sisters, sina Isabelle de Leon at Katy Garcia.

Mula sa direksiyon ni Nick Olanka, mapapanood ito bago ang Eat Bulaga.