KUALA LUMPUR (AFP) – Sinabi ng Malaysian electoral watchdogs kahapon na mayroong malaking discrepancies sa voter lists, kabilang na ang may dalawang milyong katao na nakarehistro nang walang mga address, at nagbabala na maaaring maging bentahe ito ng scandal-hit government sa eleksiyon sa susunod na linggo.

Nahaharap si Prime Minister Najib Razak sa matinding pagsubok sa botohan sa Miyerkules bunga ng corruption scandal sa state fund 1MDB at hamon mula kay veteran ex-leader Mahathir Mohamad, 92.

Halos 15 milyong Malaysian ang nakarehistro para bumoto, at nagbabala ang mga analyst na maaaring ito na ang magiging pinakamaruming halalan sa kasaysayan ng bansa. Sinisikap ni Najib na tiyaking mapalawig ang anim na taong paghawak sa kapangyarihan ng kanyang Barisan Nasional (BN) coalition.
Internasyonal

TikToker na afam, habambuhay makukulong dahil sa pagpatay sa asawang Pinay at kaibigan nito