Ni Czarina Nicole O. Ong

Kinasuhan ng graft sa Sandiganbayan Second Division si San Andres, Romblon Mayor Fernald Rovillos dahil sa inulat na maanomalyang pagbili ng seedlings para sa munisipalidad noong 2014.

Inakusahan si Rovillos ng paglabag sa Section 3(e) ng R.A. 3019 o ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act kasama sina Municipal Accountant Melinda Gaac, Municipal Planning and Development Coordinator Mary Claire Mortel, Bids and Awards Committee (BAC) Chairman and Municipal Social Welfare and Development Officer Chairman Caezar Valiente at mga miyembro na sina Gay Tan, Genny Rose Vergara, at pribadong indibiwal na si Reynaldo Perlas, ang may-ari ng Perlas Seed Growers.

Sa charge sheet nainihain ni Assistant Special Prosecutor Jorge Espinal, kinasuhan si Rovillos at mga kapwa niya akusado ng pagsasabwatan at paggawad sa Perlas Seed Growers ng kontrata sa pagbili ng 10,000 pirasong Bitaog Seedlings na nagkakahalaga ng P550,000 sa pamamagitan ng direct contracting. Pinagpipiyansa sila ng P30,000.

Tsika at Intriga

Jen Barangan, kinuyog matapos mag-lights on recording sa Olivia Rodrigo concert