Ni Nora Calderon

NAPAKAHUSAY talagang mag-isipng jokes o kuwento ni Joey de Leon, lalo na kapag may issue.

Alden Joey Meng copy

Tulad ng pagiging blockbuster movie ng The Avengers Infinity na grabe raw ang box-office returns sa first day showing pa lamang, here and abroad, nag-post si Joey ng pampa-good vibes sa fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, ng picture nilang tatlo na kuha sa Japan nang magbakasyon doon ang Dabarkads at ang isa pa, kuha nilang tatlo sa Broadway studio ng Eat Bulaga.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa first picture, any caption niya: “Match talaga itong dalawang ito, si Alden ALDENGERS, si Menggay X-MENG!”

Sa isa pang post, “Eh, kung ALDENGERS pala at X-MENG itong dalawang ito, eh, di hindi lang forever ito... INFINITY na!”

Ang dalawang post ay nakakuha ng more than 36,000 at 24,000. Lahat ay nagpapasalamat kay Joey dahil daw binigyan niya ng pag-asa ang AlDub fans. Marami na raw sa kanila ang nawawalan ng pag-asa na muling magkakasama ang kanilang mga idolo.

Hinihintay nilang bumalik ang kalyeserye nina Alden at Maine with the lolas sa EB, dahil sa ngayon daw ay lagi silang hiwalay, nasa Broadway si Alden samantalang nasa sugod-ahay ng “Juan for All All For Juan” segment.

Hinihintay din nila ang pangakong movie ng APT Entertainment na pagtatambalan ng dalawa. Sa July, 2018 daw, dalawang taon na ang first solo movie nila, ang Imagine You & Me na kinunan ang kabuuan sa Como, Italy.