Ni REGGEE BONOAN

SA wakas, inamin na ni Diego Loyzaga na buwag na ang love team nila ni Sofia Andres at nakiusap na huwag na silang ili-link sa isa’t isa dahil may boyfriend na ang dalaga.

diego at sofia

Ilang beses na naming isinulat na may boyfriend na ang aktres na taga- Australia pero tila hindi naniniwala ang mga tagahanga ng Sofiego dahil umaasa pa ring magkatuluyan ang dalawa.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Kami rin ang nagbuking na may non-showbiz girlfriend si Diego na nakita naming kasama niya sa Robinson’s Magnolia nang manood sila ng Kita Kita. Pilit niya itong itinatanggi noon at sinabi pang ‘fake news’ raw.

Nagkaroon ng unawaan sina Sofia at Diego habang umeere ang Pusong Ligaw pero nauwi rin sa wala. Kaya sa promo ng pelikulang Mama’s Girl ay laging nag-aaway ang dalawa base na rin sa kuwento ng mga nakausap naming production staff.

At dahil hindi na nga magkasundo, hindi na sila pinagsama sa mga project tulad ng Bagani na nilabasan ni Sofia at iba pang TV guestings.

Samantala, hanggang ngayon ay wala kaming balita kung ano ang next project ni Diego pagkatapos ng Pusong Ligaw.

Anyway, mukhang napikon na naman si Diego sa mga komento ng followers sa IG account niya tungkol sa pagkukumpara ng special friend niyang si Chelsea Ronquillo kay Sofia.

Hindi nagustuhan ng followers ni Diego ang pakikipagsagutan niya kaya sinabihan siya ng ‘hambog’ bagay na pinalagan ng aktor. Sa kabilang banda, may announcement ang Sofiego supporters sa kanilang mga kasamahan na, “let’s move on guys, tigilan na natin ang @ sofiego.”