Ni NITZ MIRALLES

MAY deklarasyon si Paolo Ballesteros sa presscon ng My 2 Mommies kamakailan na wala siyang love life, pero bakit may lumulutang na tsika na siya ang bagong “love” ni Sebastian Castro?

Paolo

Ang feeling ng mga nakabasa ng magkasunod na post ni Sebastian, si Paolo ang tinatawag niyang “Re” at “Al” naman ang gustong itawag ni Paolo sa kanya. Kapag pinagtabi ang “Re” at “Al,” REAL” ang ibig sabihin

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Ipinost pa ni Sebastian ang dalawang bouquet of flowers na ipinadala sa kanya ni “Re”, pero dinelete niya kalaunan ‘yung bouquet of flowers at ang red roses na lang ang itinira. Intriguing ang caption ni Sebastian sa red roses na, “This was a nice surprise to come home to. I don’t normally do monthsaries, but hey for you, i can make an exception. Happy 2nd, root word.”

Kung si Paolo nga ang bagong boyfriend ni Sebastian, ibig sabihin, two months na ang relasyon nila, kaya mali ang sinabi ni Paolo sa presscon ng My 2 Mommies na loveless siya.

Teka nga, ma-interview nga uli si Paolo sa premiere night ng Regal Films movie na showing sa May 9.

Kaya lumutang ang espekulasyon na baka si Paolo ang bagong dyowa ni Sebastian dahil nila-like ng una ang lahat ng post ng huli at kung minsan ay may comment pa siya. On the other hand, madalang mag-like si Sebastian sa post ni Paolo.

Isa pang nakakatuwa, nag-post ang ex-boyfriend ni Sebastian na si Ryan Chua ng heart emojis sa post ni Ryan ng bouquet of red roses. Kinilig ang dating shippers nina Sebastian at Ryan na ang iba ay sina Sebastian at Paolo na ang sini-ship.