Ni Fer Taboy

Napatay ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng kanyang mga kabaro matapos umanong mag-amok sa Davao City, nitong Lunes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Davao City Police Office(DCPO), binugbog ni SPO1 Roger Padayogdog, ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ng Police Regional Office (PRO)-11, ang tricycle driver na nakilalang si Ronald Bala.

Dahil dito, tumawag ng responde ang mga residente upang maawat si Padayogdog sa patuloy na pananakit ni Bala.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dumating ang mga pulis, ngunit binaril umano ng suspek ang police mobile kaya pinaputukan at napatay siya ng kanyang mga kabaro.

Sinabi ni Chief Insp. Milgrace Driz, tagapagsalita ng DCPO, na service firearm ang ginamit ni Padayogdog at nakumpiska sa crime scene ang nasabing armas.

Nilinaw din ni Driz na ipinagbabawal sa mga pulis ang pagbibitbit sa kanilang baril kapag hindi naka-duty, alinsunod sa umiiral na election gun ban.