Ni Leandro Alborote

VICTORIA, Tarlac - Dahil hindi na matiis ng isang binatilyo ang pangaral at pag-iinsulto umano ng kanyang stepmother nagpasya na lang umano itong kitilin ang sariling buhay sa Barangay Baculong, Victoria, Tarlac, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PO1 Dennis Millo ang nagpatiwakal na si John Mark Honor, 17, high school student, ng nasabing barangay.

Bago nagpatiwakal, nakipag-inuman pa umano ang binatilyo sa mga kamag-anak niya at ilang kaibigan at ibinulalas ang mga hinanakit sa kanyang madrasta.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog