KANO (AFP) – Mahigit 60 katao ang nasawi sa pag-atake ng suicide bombers sa isang moske at isang palengke sa hilagang silangan ng Nigeria nitong Martes, sa twin attack na istilo ng Boko Haram.

Isinagawa ito ng mga batang lalaki makalipas ang 1:00 pm (1200 GMT) sa Mubi, may 200 kilometro mula sa Yola, ang state capital ng Adamawa.

Sinabi ni Imam Garki, ng National Emergency Management Agency (NEMA), na batay sa joint assessment ng pulisya at ng Red Cross, 26 katao ang nasawi at 56 ang nasugatan, 11 ang malubha.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'