Ni ADOR SALUTA

PINATUNAYAN nina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Keifer Sanchez, collectively known as Tawag ng Tanghalan (TNT) Boys na truly world-class ang Filipino talent.

tnt boys

Nag-perform ang tatlong bagets sa stage ng Little Big Shots US kamakailan at pinahanga ang international viewers kabilang na ang comedienne/TV host na si Ellen DeGeneres .

Relasyon at Hiwalayan

Jericho, ibinahagi 6-hour date nila ni Janine

Bago nagtanghal sa Little Big Shots US, napanood sina Mackie, Keifer at Francis sa United Kingdom edition ng Little Big Shots at umani rin ng international praises

Naging viral ang TNT Boys sa kanilang LBS UK guesting, kaya agad silang inimbitahan para mag-perform sa Little Big Shots US, dalawang Linggo na ang nakakaraan.

Maging si Ellen DeGeneres, na producer din ng show ay na-impress sa tatlong kabataan, at ipinagmalaki ang performance ng grupo sa Twitter page, at hinikayat si Beyonce na panoorin ang video na kinakanta ng trio ang Listen.

Ani Ellen, “Beyonce, I hope you watch Sunday’s episode (April 22), of Little Big Shots.”

Sa umpisa pa lang ng kanilang pagkanta sa Listen, nagtayuan na ang audience sa ipinamalas nilang galing. Standing ovation ang ipinagkaloob sa kanila ng LBS US crowd na bilib na bilib sa ipinamalas nilang galing.

Sa video ng kanilang performance ay kitang-kita rin ang paghanga ng Little Big Shots host na si Steve Harvey sa vocal stylings at prowess ng trio.

Ang video clip ng TNT Boys performance ay naka-post sa Facebook page at naging viral na sa mahigit 10 million views and 130,000 shares.

Sina Mackie, Kiefer at Francis ay kabilang sa finalists ng “Tawag ng Tanghalan Kids” sa It’s Showtime ng ABS-CBN, at lalong sumikat pagkatapos ng kanilang impromptu performance sa Gandang Gabi,Vice ng awiting listen na naging viral din.