Ni Nitz Miralles

TOTOO ba ito?

Ellen at John Lloyd lang- copy

May lumabas sa Facebook na nanganak na si Ellen Adarna sa Thomson Medical Center sa Singapore noon pang March.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sa kuwento pa ng source, walang balita sa panganganak ni Ellen dahil bawal maglabas ng balita tungkol sa pasyente.

Bawal daw sa nasabing hospital ang pagkuha ng video na walang permission ng pasyente at pamilya nito. Marami raw ang nakakita kay Ellen bago ito nanganak, hindi lang malapitan dahil may mga guwardyang kasama.

Bago maniwala, hintayin na lang nating lahat na sina Ellen at John Lloyd Cruz ang mag-announce. Pare-pareho tayong excited na makita si Baby Cruz.

Ang nakita pa lang ng followers ni Ellen sa Instagram ay post niya ng dalawang Scottish terrier dogs na may caption na, “Our Babies...,” may naniniwala tuloy na twins ang anak nila ni John Lloyd.