Ni Nora Calderon

NAISULAT namin ang pagluluto ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Agoncillo para sa mga madre at pari sa Vatican City ng Filipino foods.

Juday at Ryan copy

Pero hindi pala doon natapos ang pagluluto ng mag-asawa habang nagbabakasyon sa Italy para i-celebrate ang kanya-kanyang birthday at most specially, ang kanilang 9thwedding anniversary nitong April 28.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinost ng mag-asawa ang tinanggap nilang Certificate of Proficiency in Italian Cuisine mula sa Food & Wine Academy sa Florence, Italy. Nag-aral pala sila roon ng mga Italian cuisine.

Ang caption lang ni Juday: Achieved classmate! #gelato #pasta #bolognese #tiramisu

Magandang experience rin para sa mag-asawa ang pagiging Truffle Hunter at ang post ni Ryan: “@giuliothetrufflehunter thank you very much, such a wonderful experience.” Tuwang-tuwa si Juday sa mga nakuha nilang truffles na kinain nila agad.

Pabalik na ng Pilipinas sina Juday at Ryan ngayong araw at balik-trabaho sila agad sa kanya-kanyang projects, si Juday sa ABS-CBN at si Ryan sa GMA.