Ni Nitz Miralles

PORMAL nang ipinakilalang Face of The Origin Series ng Beautederm si Arjo Atayde. Male consumers ang target market ng perfume line with three different scents, mamimili na lang ang mga kuya kung alin sa Alpha, Radix at Dawn scent ang gusto nilang bilhin at gamitin.

Rhea Anicoche-Tan at Arjo

Rhea Anicoche-Tan at Arjo

Kung gusto naman ninyong gayahin si Arjo at gusto ninyong pareho kayo ng amoy, ang Alpha ang bilhin at gamitin ninyo dahil ang citrusy scent nito ang nagustuhan ng aktor. Para kay Arjo, puwedeng gamitin ng both sexes ang Alpha dahil pang-unisex ang scent.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang CEO/owner ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan at host ng launching ng Origin Series na si Eric John Salut ang nagpakilala kay Arjo as the Face of the Origin Series. Sabi ng dalawa, bagay kay Arjo ang maging ambassador ng Origin Series dahil lagi itong mabango at malinis.

“I’m very happy to be part of Beautederm and it’s a big opportunity for me to endorse The Origin Series. This is a big opportunity for me because I’m a strong believer of the product,” pahayag ni Arjo.

Maganda rin ang sagot ni Arjo sa tanong ng mga reporter kung package deal ba sila ng mom niyang si Sylvia Sanchez na endorser naman ng Beautederm beauty products.

“Nagkataon lang na parehong Beauterm ang ini-endorse namin, but different products. Everything is a blessing, you can’t say no. Magkasama man kami o hindi sa isang project, it is still a blessing,” paliwanag ni Arjo.

Ayon naman kay Rhea, magkaiba ang negosasyon niya sa mag-ina dahil si Sylvia ay hawak ng Powerhouse at si Arjo ay nakakontrata naman sa Star Magic.

Tiyempong nagpapahinga si Arjo sa paggawa ng serye sa ABS-CBN dahil magiging busy siya sa promo ng The Origin Series. Nabanggit ni Rhea na kasama si Arjo sa endorsers ng kanyang products na dadalhin niya sa opening ng branches ng Beautederm.