SEOUL (AFP, REUTERS) – Ipipihit pasulong ng 30 minuto ng North Korea ang orasan nito para maging kaisa ng oras ng South Korea simula sa Sabado bilang conciliatory gesture isang linggo matapos ang inter-Korean summit, ipinahayag ng official news agency ng North.

Makaiba ang time zone ng dalawang bansa sa hating peninsula simula 2015 nang baguhin ng North ang standard time nito na 30 minuto na mas huli sa South.

Sinabi ng Pyongyang na ibabalik nito ang time zone na ginamit bago ang pananakop ng Japan noong 1910-45 sa peninsula para markahan ang 70th anniversary ng paglaya nito mula sa Tokyo.

Ngunit nangako si North Korean leader Kim Jong Un na babaguhin ang time zone pabalik sa panahon ng makasaysayang pagpupulong nila ni South Korean President Moon Jae-in noong Biyernes, iniulat ng KCNA kahapon.

Internasyonal

TikToker na afam, habambuhay makukulong dahil sa pagpatay sa asawang Pinay at kaibigan nito

Sinabi ni Kim na ‘’painful wrench’’ na pagmasdan dalawang wall clock na nakasabit sa venue ng summit na nagpapakita ng magkaibang oras ng magkatabing bansa, iniulat ng KCNA.

Nagpahayag si Kim na ‘’his resolution to unify the two times ... as the first practical step for national reconciliation and unity,’’ ayon dito.

Nangako naman ang South Korea kahapon na aalisin ang loudspeakers na nagpapahayag ng propaganda sa hangganan.

Pinatahimik ng Seoul ang loudspeakers na nagbo- broadcast ng mga balita, Korean pop songs at batikos sa North Korean regime bilang goodwill gesture bago ang summit. Sisimulan nila ang pagbabaklas nito bukas, Martes.

“We see this as the easiest first step to build military trust,” sinabi ni South Korean defense ministry spokeswoman Choi Hyun-soo. “We are expecting the North’s implementation.”