Ni NORA CALDERON

MASAYAHIN si Kiko Estrada, lagi siyang nakangiti kapag iniinterbyu ng reporters kaya agad napansing malungkot siya bago pa man nagsimula ang mediacon ng My Guitar Princess, ang bagong morning musical romantic-comedy series ng GMA Network na magtatampok din kina Julie Anne San Jose at Gil Cuerva, mula sa direksiyon ni Nick Olanka.

Kiko Estrada - MGP

Kaya pagkatapos presscon, tinanong si Kiko kung bakit parang malungkot siya, to think na sunud-sunod ang movies na ginagawa niya at ngayon nga ay may bago siyang rom-com series. Huli niyang ginawa sa GMA-7 ang Mulawin vs Ravena at nag-concentrate muna siya sa paggawa ng movies. Kaya itinuturing niyang another blessing ang pagkasama niya sa bagong serye.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Naluluhang ikinuwento ni Kiko na malungkot siya dahil ang Lola Nena Diaz niya, wife ng kanyang namayapa na ring Lolo Paquito Diaz ay may stage 4 pancreatic cancer.

“She’s more than 70 years old now, at mabuti noong dalawin ko siya the other day, masaya siya nang makita ako at naisayaw ko pa siya,” sabi ni Kiko. “Siyempre po, hindi kami dapat magpakita na malungkot kami, pinasaya ko siya, kinuwentuhan ko na marami akong project ngayon at may bago nga akong teleserye sa GMA-7.

“Mayaman na kuripot ako sa story as Justin, confidante ako ni Celina (Julie Anne) na mai-in love with her. Masaya po ang amingset, lagi kaming nagkakantahan. First time kaming magtatambal ni Julie Anne at she’s very professional sa trabaho. First time ko ring makakasama si Gil at magkakaroon yata kami summer scenes. Pero dahil pang-umaga kami, baka sa swimming pool lamang ang display namin ng katawan. Different challenge naman sa akin ang role ko rito, I lke to play supporting roles.”

Sino ba sa kanila ni Gil ang makakatuluyan ni Julie Anne sa ending?

“Hindi ko po alam, depende po siguro sa viewers at sa writers ng serye.”

May ginagawang movie ngayon si Kiko, ang My Stepmother’s Lover with Sunshine Cruz. Balitang may butt exposure siya sa movie na pinamamahalaan ni Adolf Alix, Jr., pumayag ba siyang gawin ang scene na iyon?

“Puwede po ba akong magreklamo sa award-winning director ‘tapos produced pa ito ng ALV Productions, na isa ako sa mga talents ni Sir Arnold Vegafria? Pero thankful ako dahil may isa pa akong ginagawang movie, ang Walwal for Regal Films at may isa pa, na hindi ko pa puwedeng sabihin kung ano. Basta I’m very thankful po na hindi ako nawawalan ng work, dahil I love to work naman para magamit ko ang talent ko.”

Ang My Guitar Princess ay mapapanood na simula sa May 7, 2018, 11:30 AM bago ang Eat Bulaga.