MAS kinakitaan ng husay at determinasyon na manalo si Davey Alumisim sa kanyang championships match kontra Jake Sarco para kunin ang titulo sa katatapos na Antipolo chess tournament kamakailan sa Multi-Purpose Hall, Sto. Nino covered court ng Barangay Sta. Cruz, Antipolo City.

Tumapos si Alumisim ng may malinis na karta na limang panalo sa limang laro para tangapin ang top prize P3,000 plus trophy kina tournament director Jason Rojo, Chief Supervising Arbiter Jose Suela, Sonny dela Rosa, Paul Cantonao at sportswoman Jenica Josue ng Barangay Sta. Cruz Chess Club Inc. sa event na sinuportahan ng J-Store at Juner Food House.

Napako naman sa 4.0 puntos si Sarco, kaparehas ng puntos na naitala nina Anthony Benito, Jhigger Aviles, Gilbert Balaysoche, Janfred Godoy, Jehf Benas at tournament favorite Gilbert Pama.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!