GUADALAJARA (AFP) – Aabot sa 12,000 katao ang nagmartsa sa Guadalajara nitong Huwebes, upang ipanawagan ang kapayapaan at katarungan para sa tatlong film students na brutal na pinatay sa krimen na ikinagimbal ng buong Mexico.

Mahigit isang buwan matapos silang mawala, kinumpirma ng mga awtoridad nitong Lunes na sina Salomon Aceves Gastelum, 25, Daniel Diaz, 20, at Marco Avalos, 20, ay dinukot, pinahirapan at pinatay ng mga miyembro ng drug cartel. Pagkatapos ay tinunaw sa asido ang kanilang mga bangkay.

‘’The absurd war on drugs is taking our classmates and we will not allow it anymore,’’ sinabi ni Jesus Medina, lider ng mga estudyante mula sa University of Guadalajara.

Samantala, nangilabot ang mamamayan sa pagkumpisal ng YouTube star at rapper na si Christian Omar Palma Gutierrez, kilala rin bilang ‘’QBA’’ – na tinunaw niya sa asido ang bangkay ng mga estudyante.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Sinabi ni Gutierrez na tumanggap siya ng 3,000 pesos ($159) kada linggo para sa kanyang trabaho sa Jalisco New Generation drug cartel, isa sa pinakamakapangyarihan sa Mexico.

Ayon sa official figures, mahigit 200,000 katao na ang pinaslang at mahigit 30,000 ang naglaho simula nang ilunsad ng gobyerno ang kontrobersiyal na opensibang militar laban sa organized crime noong 2006.