Ni Rommel P. Tabbad

Iimbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang kumakalat na umano’y sex video ng isang school principal sa Sto. Tomas, Isabela.

Paliwanag ni DepEd-Region 2 information officer Ferdinand Narciso, nakatakdang bumuo ng investigating team ang DepEd sa rehiyon upang siyasatin ang nasabing video.

Kapag may hawak na umano silang kopya nito ay ipadadala nila ito sa Schools Division Office ng Isabela na mangangasiwa sa imbestigasyon, ayon kay Narciso.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang magiging resulta ng pagsisiyasat ay isusumite sa DepEd Regional Office para desisyunan.

Posible aniyang dismissal ang parusa ng principal kung mapapatunayan na ito nga ang nasa sex video, dahil nakasisira ito, hindi lang sa imahe ng opisyal kundi maging sa paaralan.