Ni Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan - Umapela ang mga provincial health office ng Pangasinan sa publiko na huwag pangunahan ang sanhi ng pagkamatay ni Quezon City Dr. Kendrick Gotoc, na unang inulat na nasawi sa Dengvaxia vaccine.

Paglilinaw ni Dr. Ana Ma. Teresa de Guzman, provincial health officer, nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon sa pagkamatay ni Gotoc, 38, consultant ng rural health unit (RHU) sa Quezon City, sa isang ospital sa Quezon City nitong Linggo.

Aniya, wala pang konkretong batayan na Dengvaxia vaccine ang sanhi ng pagkamatay nito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog